-- Advertisements --

Hindi na kailangan pa ng gobyerno ng Pilipinas na baguhin ang polisiya nito sa West Philippine Sea matapos na lumubog ang isang bangka ng mga mangingisdang Pilipino kamakailan sa Recto Bank nang banggain ng isang Chinese vessel.

Binigyan diin ni Department of Agriculture Sec. Emmanuel “Manny” Piñol na ang naturang pangyayari ay maituturing lamang na “isolated incident.”

Walang nakikitang dahilan si Piñol para baguhin ng gobyerno ng Pilipinas ang polisiya nito sa pinagtatalunang lugar dahil lamang sa nangyaring insidente.

Kung tutuusin, mayroon naman aniyang kapayapaan sa nasabing lugar.

Sa kabilang dako, sinabi ng kalihim na magtutungo siya sa Occidental Mindoro sa Miyerkules, Hunyo 19, para ipamahagi ang 11 fiberglass na bangka sa mga crew members ng lumunog na F/B Gem-Ver.