Iniulat ni Dr. Ted Herbosa, adviser to the National Task Force Against COVID-19 na ginagawa na ng National Immunization Technical Advisory Group ang polisiya upang magsimula na ang implementasyon ng 3rd dose ng COVID-19 vaccines sa mga high risk individuals, health workers at sa mga immunocompromised.
Ayon kay Herbosa, ang basehan ng additional boost ng immunity ay upang madagdagan ang pagpapalakas para sa kaligtasan sa sakit dahil pagkatapos ng ilang buwan ang ating mga antibodies ay humihina at ito ang dahilan na makakakuha pa rin ng impeksyon ang mga fully vaccinated.
Idinagdag niya na may mga talakayan na ang isang tao ay kailangang magkaroon ng tatlong dosis ng bakuna upang maging ganap na mabakunahan laban sa COVID-19 at isang booster shot pagkatapos ng lima hanggang 10 taon.
Napag-alaman na sa ngayon ay hindi pa inirerekomenda ang tatlong doses sa general population kundi sa mga high risk pa lang kagaya ng mga doktor at immunocompromised.