-- Advertisements --

PNPchief

Rerepasuhin ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang polisiya sa pagtugis at pag-aresto sa mga high value targets (HVT’s) at mga most wanted individuals.


Ito ang inihayag ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa matapos ang matagumpay na pag-aresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nuong Huwebes kay dating Dinagat Islands Rep. Ruben Ecleo Jr. sa Angeles City,Pampanga.

Aminado ang PNP na kailangan na talaga nilang baguhin ang ilang polisiya lalo na at marami pang mga high value targets na wanted sa batas ang hindi pa nahuhuli.

Sisilipin ng PNP kung ano naman ang naging pagkukulang ng kaniyang mga tauhan kung bakit natagalan ang pag-aresto kay Ecleo.

Si Ecleo ay convicted sa kasong Graft at Parricide dahil sa pagpatay nito sa kaniyang Misis na si Alona Bacolod.

Sinas

Si Ecleo ay may P2 milyon reward money na nakapatong sa kaniyang ulo kapalit ng kaniyang neutralisasyon.