-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Iminungkahi ng isang political analyst na bumalik ang Pilipinas bilang kasapi ng Rome Statute ng International Criminal Court.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Professor Francis Esteban, chair ng Department of International Studies sa Far Eastern University, sinabi nito na mas magiging paborable sa Pilipinas ang pagsabay sa international court upang upang makipakita sa ibang mga bansa na umiiral ang justice system sa Pilipinas.

Paliwanag nito na kung walang nilalabag na bayas ay nakakasunod sa international law ang mga polisiya ng Pilipinas ay walang rason upang mabahala na maging miyembro kan Rome Statute.

Subalit ayon kay Esteban, nagkakaroon ngayong ng pagdadalawang isip ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagsisiyasat ng International Criminal Court sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na ilang ulit ng inihayag ni Pangulong Marcos na hindi ito tutugon sa anumang imbestigasyon ng ICC sa Pilipinas.

Abiso ng naturang political analyst kay Pangulong Marcos na isipin kung ano ang mas makakabuti sa reputasyon ng Pilipinas lalo na ngayong bumubuo ang bansa ng malakas na alyansa sa mga Western countries.