-- Advertisements --

Naniniwala ang political analyst na si Prof. Dennis Coronacion na may pulitika sa likod ng peace rally ng Iglecia Ni Cristo(INC).

Ito ay sa kabila ng claim ng INC na ito ay non-partisan at pagsuporta lamang sa naunang pahayag ni PBBM na walang maidudulot na kabutihan ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.

Ayon kay Coronacion, kahit saang angulo tingnan ay may pulitikang nakapaloob sa naturang rally.

Inihalimbawa ng political analyst ang pagsama ng ilang mga senador sa rally na uupo bilang mga senator-judges kung matutuloy man ang pag-usad ng complaint.

Ayon kay Coronacion, ang kanilang ‘presence’ sa naturang rally ay nagpapakita na ng kanilang posisyon o judgement sa isinusulong na impeachment complaint vs VP Sara.

Naniniwala naman si Prof. Coronacion na ang mistulang ‘show of force’ ng INC ay makaka-apekto sa desisyon ng mga senatorial candidates.

Posible aniyang mapapaisip din ang mga kandidato, lalo na ang mga re-electionist sa kanilang posisyon o paninindigan sa ikakasang impeachment vs VP Sara na pangunahing paksa ng rally na inorganisa ng naturang sekta.