LEGAZPI CITY- Pinuri ng isang political analyst ang detalyadong mga programa at hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Adress (SONA).
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Prof. Jean Encinas-Franco, Associate Professor ng Department of Political Science sa University of the Philippines, masasabi na kompleto, detalyado puno ng mga datos ang naging SONA ni Marcos na malinaw naman na nailatag ang mga programang nais na maipatupad sa ilalim kanyang administrasyon.
Posibleng natuto na ang Pangulo sa mga negatibong komento ng mga kritiko sa nauna niyang inagural speech kung saan pinuna ang kakulangan umano ng detalye sa mga ipinangako nitong programa kinakailangan na sa nagbabagong panahon lalo pa ngayong meron pa rin na coronavirus disease pandemic.
Kung may hinahanap lamang ang political analyst na hindi nasabi ng Pangulo sa kanyang SONA, ito ay ang mga programa na lalaban sa korapsyon at ang mga paglabag sa karapatang pantao.