-- Advertisements --

VIGAN CITY – Aminado ang Commission on Elections (Comelec) na dumami pa ang mga kandidatong naging pasaway at lumabag sa panuntunan kaugnay ng halalan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na tila sinadya ng ilang tumatakbo ang paglabag dahil marami pa rin daw silang nakikita na campaign posters na iligal na nakasabit sa hindi common posting areas.

Bagamat binaklas na ng poll body employees kasama ang Department of Public Works and Highways ang illegally posted materials ay nilista pa rin daw nila ang mga kandidatong nasa likod nito.

Ani Jimenez, tiyak na mahaharap sa parusa ang mga pulitikong mapapatunayang nagpabaya sa pagsasabit ng kanilang mga material sa pangangampanya.