Isinusulong ni Napolcom Vice Chairman Vitaliano Aguirre na matanggal na ang political pressure sa PNP.
Dahilan na pinadidistansya ni Aguirre ang mga Pulitiko sa Appointment ng mga Chief of Police at mga Provincial Police Directors.
Sinabi ni Aguirre, ito ang isa sa mga rekomendasyon na kaniyang tinanggap sa pakikipag-usap sa mga dating kalihim ng DILG at Chief PNP.
Ayon kay Aguirre, dapat mailayo sa Political Pressure ang PNP.
Isa sa mga batas na gusto niyang maibasura ay ang nagtatakda na ang PNP ay dapat magsumite sa mga Mayors at Governors ng tatlong pangalan upang pagpiliang maging Chief of Police at Provincial Director.
Dahil dito ay walang ginawa ang mga Pulis kundi sumipsip sa mga Pulitiko upang sila ang piliin.
Sisikapin umano ng NAPOLCOM na kung kaya nilang gawin na maibasura gamit ang kanilang kapangyarihan ay gagawin nila.
Ngunit kung kailangan ng batas ay makikipag-usap sila sa mga
Congressmen at Senador upang maibasura ang mga batas na hindi pabor sa PNP.
” Isa dito angsinasabi nila the pnp must be insulate from poltiical pressure, ang isa sa mga political pressure na ginagamit ng ating politiko ay itong pagtatalaga ng tatlong nominee para pagpalian ng provincial director, or chief of police ng munisipyo, magbibigay ng tatlong pangalan ang PNP at dun mamimili ang mga governor at mayor, ang practice pong yan ay napaka, ang tingin ko ay hindi maganda sa ating kapulisan sapagkat nakikita ng ating kapulisan na talagang very powerful itong mga politikong ito ay walang gumawa yan kundi sumipsip, humimod sa ano sa kwan ng ating politiko sapagkat nalalaman nila na napakalaki ng say ng provincial governor at
municipal mayor sa kanilang tungkulin kaya yun ang siguro we could start with that, alisin natin yun,” wika ni Atty. Aguirre.