ROXAS CITY – Manageable at wala pang namomonitor ang kapulisan na ‘intense political rivalry’ na nangyayari sa probinsya ng Capiz.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay PCol. Jerome Afuyog Jr., Acting Provincial Director ng Capiz Police Provincial Office (CPPO), sinabi nito na kung pagbabasehan ang hawak nilang rekord, walang pulitiko sa probinsya ang pinatay ng kaparehas din na pulitiko.
Pero hindi ito dahilan para maging kampante ang hanay ng kapulisan lalo na sunod-sunod ang nangyayaring pagpatay sa mga elected government officials sa bansa kung saan ang pinakabago ay ang pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at nadamay pa ang walong sibilyan kung saan pinasok ng mga armadong grupo ang compound ng gobernador noong Marso 4.
Sinabi din nito, na hanggang sa ngayon wala pang local chief executives ang nanghingi ng police assistance pero magbibigay parin sila ng seguridad sa pamamagitan nga pagsecure sa daanan at mga lugar na patutunguhan ng mga public officials.