-- Advertisements --
image 248

Inilarawan ni Senate President Juan Miguel Zubiri na isang “political terrorism” ang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Paliwanag ni Zubiri, sakop ito ng anti-terrorism law.

Ito at dahil ang pagpatay sa sibilyan o isang tao at pagsira ng mga ari-arian ay malinaw na pananakot.

Isa lang aniya ang mensahe ng nasa likod ng krimen: na mayrong naghahari sa Negros Oriental.

Kasabay nito, sinabi ni Zubiri na malinaw rin aniyang terorismo ang nangyari dahil puro high-powered firearms ang ginamit.

Dagdag ng senador, planodo raw ang pagpatay, pinondohan at gumamit pa ng rocket-propelled grenade.

Naniniwala ang mambabaats na maaaring gamitin ang rocket-propelled grenade sakaling hindi abutan si Degamo sa bahay.

Sakaling makatakas naman ay may nakapuwesto pa na mga snipper sa labas ng bahay kaya’t mahirap sabihin aniya na random act lang ito.

Kinumpirma rin ni Zubiri na taong 2020 ay humingi na si Degamo ng tulong sa mga Senador dahil sa banta sa kanyang buhay.

Nanawagan naman si Zubiri sa Philippine National Police na magsagawa ng threat assessment sa bawat lalawigan lalo’t papalapit ang Barangay at SK elections.