-- Advertisements --
Ibinasura ng Supreme Court (SC) na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang poll protest ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Sinabi ni SC Spokesperson Brian Keith Hosaka na unanimous ang naging desisyon ng mga mahistrado sa protesta ni Marcos laban sa bise presidente.
Aniya 15 na mahistrado ang present sa en banc session ngayong araw at pito ang nag-fully councurred o sumang-ayon sa dismissal at walo naman sa resulta.
Hindi naman pinangalanan ni Hosaka ang ponente o nagsulat sa naturang desisyon.
Nag-ugat ang protesta ni Marcos sa umano’y iregularidad ng halalan noong 2016.