Magsasampa ng impeachment complaint ang isang election watchdog laban sa mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa umano’y electoral sabotage.
Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ng grupong Mata sa Balota na si Dr. Mike Aragon, nilabag ng mga commissioners ng Comelec ang mga probisyon ng Automation Election Systems (AES) law.
Nanawagan din ang grupo sa publiko na suportahan ang panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas upang mabuwag ang Comelec.
Paraan din aniya ito upang mapalitan ang poll body ng isang mas bago at mas epektibong ahensya na may pananagutan sa mga Pilipino.
Nakatakda raw nilang ihain ang kanilang impeachment case sa darating na buwan ng Hulyo sa papasok na 18th Congress.
“We are doing this action in full support to our beloved President Rodrigo Duterte especially on his recent statements on Smartmatic and related election issues,” pahayag ni Aragon.
Una nang inihirit ng grupo ang suspensyon o dismissal ng ilang mga opisyal ng poll body.