-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pansamantalang isinara ang Philippine Labor Office o POLO sa Saudi Arabia matapos na magpositibo sa COVID-19 ang labor attache

Magtatagal ito hanggang gumaling at matapos ang quarantine ng labor attache.

Maging ang labor attache sa Milan, Italya ay nagpositibo sa virus.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretart Silvestre Bello III na dahil marami ang kaso ng Omicron variant sa Estados Unidos at Europe ay pinag-isipan niyang ilipat sa Toronto o Vancouver, Canada ang nakatakdang POLO Conference sa Amerika sa January 23-24, 2022

Pupulungin niya ang mga labor attache para paalalahanan sila para pangalagaan ang kapakanan ng mga OFWs.

Makikipag-ugnayan din siya sa mga Filipino community.