-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – GENERAL SANTOS CITY – Handang magbigay ng malaking reward si Mayor Bernie Palencia sa makapagtuturo sa pumaslang sa dalawang Civil Security Unit (CSU) member nito matapos binaril sa National Highway Purok 8 Brgy Sulit, Polomolok South Cotabato.

Ayon kay Palencia, ang sinumang indibidwal na may nalalaman hinggil sa pagkakakilanlan ng mga suspek ay makakatanggap ng P300,000 reward money.

Kinilala ang mga biktima na si Jessie Arciete, 56 taong gulang na residente ng Brgy. Silway 8 at Bonifacio Cabisada, 58 taong gulang, isang retired PNP Member na residente ng Brgy Poblacion Polomolok.

Sinabi ng alkalde, matagal na ring nanunungkulan ang mga biktima na ituring nitong kanyang pamilya.

Blangko pa ito sa motibo ng pamamaril subalit hangad na mabigyan kaagad ng hustisya ang mga biktima.

Matatandaan, binaril sina Arciete at Cabisada ng motorcycle riding criminals habang sakay sila ng single motor.

Dead on arrival ang mga ito ng dinala sa pagamutan.

Hustisya naman ang sigaw ng pamilya ng mga biktima.