-- Advertisements --
Tumaas ang level ng polusyon sa Metro Manila sa pagpasok ng Mayo matapos ang pagbabalik opersyon ng ilang kumpanya at mga pabrika.
Ito ay base sa inilabas na Special Report on Managing Air Quality Beyond COVID-19 ng Greenpeace at Centre for Research on Energy and Clean Air (CREA).
Sa unang dalawang linggo pa lamang kasi ng Mayo ay tumaas ang nitrogen dioxide na mula sa trapiko at fossil combustion na ito ay nakita sa Marikina, San Juan at Makati.
Naging maganda naman sa kabuuan ang air quality ng Metro Manila kumpara noong nakaraang mga taon.