-- Advertisements --
Nagbabala si US Secretary of State Mike Pompeo na dapat bawasan ng US at Brazil ang pagdepende nila sa mga imports ng China.
Ito ay para na rin sa kanilang seguridad.
Ayon kay Pompeo na isang mapanganib kung isasama ang China sa ekonomiya ng isang bansa.
Maari aniyang mabuhay ang ekonomiya ng Brazil at US kahit wala ang tulong ng China.
Plano rin ng Brazil na pagbawalan ang pagbili ng 5G equipment ng China gaya ng naunang ginawa na ng US.