-- Advertisements --
TURKEY 2

Dumepensa si Secretary of State Mike Pompeo sa naging pahayag ni US President Donald Trump na tanggalin ang mga sundalo nila sa northeastern Syria.

Ayon kay Pompeo, ang nasabing hakbang ay hindi nangangahulugan na maaari ng magsagawa ang Turkey ng pag-atake sa Syria.

Aniya, malinaw na ang naging pag-uusap sa telepono nina Trump at Turkish President Recep Tayyip Erdogan na may mga sundalong Amerikano ang manganganib sa nasabing atake at ayaw nilang ipagsapalaran ang buhay ng mga ito.

Magugunitang matapos ang pagsisimula ng opensina ng Turkey sa Syria ay maraming mga bansa ang nanawagan na itigil ito dahil magdudulot ng masamang kalagayan sa rehiyon.

Sa pahayag ng Kuwait Foreign Ministry officials, nanawagan ito na nararapat na iwasan na ang anumang military operations.

Ayon naman sa Saudi na masisira ang seguridad sa rehiyon kapag lumala pa ang sitwasyon doon.

Kinondina naman ng France ang nasabing insidente.

Habang magsasagawa naman ang UN Security Council ng closed-door meeting ngayong Huwebes para pag-usapan ang kalagayan sa Syria.

Nababahala naman ang United Nations humanitarian groups sa pagdami ng mga posibleng madamay sa kaguluhan.

Ang European Union (EU) ay umapela rin sa Turkey na ipatigil ang ground offensive sa bahagi ng border ng Syria.

Kabado ang EU na baka lumala ito at magdulot nang panibagong matinding trahedya.

TURKEY SYRIA

Depensa naman ng Turkey, kaya sila nagsasagawa nang pag-atake ay para madala sa kapayapaan ang border nila ng Syria at maitaboy ang mga teroristang grupo na Kurdish forces na kaalyado ng Amerika.

Ang Kurdish rebels o YDF ay naging kaagay ng Amerika sa kampanya laban sa mga ISIS.

Sa inisyal na ulat ng Turkish Defense Ministry, kinumpirma nila na pinatamaan ng kanilang armed forces ang umaabot sa 181 targets sa Syria.

“Turkish armed forces hit 181 targets of terror organization by air forces and fire support elements within Peace Spring operation,” bahagi ng tweet ng ministry.

SYRIA 1