-- Advertisements --

Hinikayat ni US Secretary of State Mike Pompeo ang mga Chinese na huwag ng sumunod sa Communist Party.

Sa kaniyang talumpati sa Richard Nixon presidential library sa Yorba Linda, California, sinabi nito na kapag hindi binago ng mundo ang Communist China ay baka ang Communist China ang magbago sa atin.

Gayahin din aniya dapat ng mga bansa ang ginawa ng US na kinokondina ang mga ginagawa ng China lalo na ang pag-angkin sa mga isla ng South China Sea.

Magugunitang mariing kinondina ni Pompeo ang ginagawang pananakop ng China sa mga isla sa South China Sea.