-- Advertisements --

Ikinatuwa ni US Secretary of State Mike Pompeo na mayroong magandang resulta sa usaping pangkapayapaan nila ng Taliban.

Ito ay matapos na ibalita sa kaniya ni Defence Secretary Mark Esper na pumayag ang Taliban sa proposal na magkaroong ng pagbabawas ng karahasan.

Mula pa noon kasi ay nagkaroon na ng negosasyon ang dalawang panig para matapos na ang 18-taon na giyera sa Afghanistan.

Ayon kay Pompeo na ang naging pagpayag ng Taliban sa pitong araw ng pagbawas ng karahasan ay nagpapakita ng seryoso sila sa nasabing usapin.

Umaasa ito na sa mga susunod na araw ay matatapos na ang kaguluhan sa Afghanistan.