WASHINGTON – Inilunsad ni US Secretary of State Mike Pompeo ang isang panel na magsasagawa ng reexamination sa ginagampanang papel ng human rights sa kanilang foreign policy.
Itinalaga ni Pompeo si dating US ambassadro to the Vatican at Harvard Law School professor Mary Ann Glendon bilang pinuno ng 10-member Commission on Unalienable Rights.
Ayon kay Pompeo, bubuuin ang lupon ng mga human rights experts at mga activists mula sa buong political spectrum.
Ani Pompeo, mistula raw kasing hindi na nagagampanan ng mga international institutions na nilikha upang pangalagaan ang human rights ang kanilang misyon.
“As human rights claims have proliferated, some claims have come into tension with one another provoking questions and clashes about which rights are entitled to gain respect,” ani Pompeo. “Nation states and international institutions remain confused about the respective responsibilities concerning human rights.
“The time is right for an informed review of the role of human rights in American foreign policy.”
Nangangamba naman ang ilang mga mambabatas at mga aktibista na baka gamitin ang nasabing hakbang upang i-minimize ang abortion at gay rights. (Reuters)