-- Advertisements --
Ipinagtanggol ni US Secretary of State Mike Pompeo ang pagpatay kay Iranian military general Qasem Soleimani.
Sinabi nito na ang naging desisyon ni US President Donald Trump ay legal at hindi na dapat kuwestiyunin dahil ibinase nito sa mga nakuhang impormasyon ng mga military officials.
Isa aniyang matagumpay na trabaho ng US militar ang desisyon ito ni Trump.
HIndi na nito idinetalye pa ang nasabing impormasyon sa ilang plano ni Soleimani sa US at ibang mga bansa.