Binuweltahan ngayon ni Secretary of State Mike Pompeo si dating national security adviser John Bolton sa pagsasabing isa itong traydor at sinungaling.
Ginawa ni Pompeo ang alegasyon sa gitna na rin ng inaaning kontrobersiya sa ilalabas na bagong libro ni Bolton.
Sa kanyang statement, sinabi ni Pompeo na hindi pa naman niya nababasa nga libro pero nakita na raw niya ang mga lumutang na excerpts nito.
Binatikos ni Pompeo ang dating kasamahan sa White House dahil sa umano’y pagpapakalat ng mga kasinungalingan.
Aniya, nakakalungkot daw ang delikadong pinagsasabi ni Bolton sa libro na maaring makasira sa Amerika.
Una nang napaulat na na kabilang daw sa sinabi umano ni Bolton sa kanya libro na may titulong “In the Room Where it Happened” na maging si Pompeo ay palihim na asar sa kanilang boss na si US President Donald Trump.
Inihalimbapa pa nito na noong kasagsagan daw sa negosasyon sa North Korea ni Trump kay Kim Jong UN, pasekreto raw na binigyan sya ng sulat ni Pompeo na bumabanat kay Trump nang ganito, “he is so full of shit.”
Kabilang pa sa shocking expose raw ni Bolton ay ang paghingi ng tulong ni Trump sa China na tulungan siya sa reelection ngayong 2020.
“I’ve not read the book, but from the excerpts I’ve seen published, John Bolton is spreading a number of lies, fully-spun half-truths, and outright falsehoods,” ani Pompeo sa statement. “It is both sad and dangerous that John Bolton’s final public role is that of a traitor who damaged America by violating his sacred trust with its people.”
Narito naman ang bahagi ng unang paulat ukol sa libro:
“The differences between this presidency and previous ones I had served were stunning,” writes Bolton, who worked for Reagan, Bush 41, and Bush 43. He discovered a President who thought foreign policy is like closing a real estate deal—about personal relationships, made-for-TV showmanship, and advancing his own interests. As a result, the US lost an opportunity to confront its deepening threats, and in cases like China, Russia, Iran, and North Korea ended up in a more vulnerable place.”