-- Advertisements --
Kinondina ni US Secretary of State Mike Pompeo ang plano ng China ng pagpapatupad ng bagong security law sa Hong Kong.
Tinawag nito na ang nasabing batas ay sisira sa kalayaan ng Hong Kong.
Dagdag pa nito na dapat irespeto ng China ang high degree of autonomy, democratic institution at civil liberties ng Hong Kong.
Magugunitang maraming mga residente ng Hong Kong ang umalma sa panukalang batas na nais ipatupad ng China.
Nais kasi ng China na ipasa ang batas na pagbabawal ng “treason, secession, sedition at subversion sa Hong Kong.
Dahil dito ay nanawagan ang mga pro-democracy activist ng Hong Kong sa US na sila ay suportahan at labanan ang batas na ipinapatupad ng China.