-- Advertisements --

Naka-isolate na ngayon si US Secretary of State Mike Pompeo matapos umano na makasalamuha ang COVID-19 positive.

Ayon sa State Department office, isa kasi si Pompeo na naitalang contact person ng taong COVID-19 positive.

Kahit aniya na negatibo ito sa pagsusuri ay minabuti pa rin ng kaniyang opisina na mag-isolate na lamang.

Hindi naman nilinaw ng opisina ni Pompeo kung paano at saan niya nakasalamuha ang COVID-19 positive.