-- Advertisements --

Tinawag ni US Secretary of State Mike Pompeo na isang aksidente lamang ang pagpalitan ng mga putok ng North at South Korea.

Sinabi nito na malinaw na aksidente dahil walang sinuman ang nasaktan.

Tumanggi na rin itong magbigay pa ng ibang mga detalye.

Magugunitang nagpalitan ng putok ng baril ang North at South Korea sa rural guard post na nagdulot ng tension sa Demilitarized Zone.