-- Advertisements --
Mike Pompeo
Mike Pompeo/ IG post

Inakusahan ni US Secretary of State Mike Pompeo ang Democrats ng pambubully.

Ito ay dahil sa inimbitahan ng mga mambabatas ang ilang mga staff ni US President Donald Trump sa ginagawang impeachment.

Sinabi ni Pompeo na walang kuwenta ang pagpapatawag sa ilang opisyal ng White House.

Iniimbestigahan kasi ng Democrats kung nai-pressure ni Trump ang pangulo ng Ukraine para sa kaniyang pansariling interest.

Bukod kay Pompeo ay pinapatawag din sa impeachment trial ang abogado ni Trump na si Rudy Giullani.