Inaprubahan na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas ng Php 69,699,000 bilang suporta sa Protein-Enriched Copra Meal (PECM) Commercialization Project sa ilalim ng National Livestock Program ng Department of Agriculture (DA).
Ang Special Allotment Release Orders (SAROS) na inaprubahan ng kalihim ay magsisilbing augmentation sa Production Support Services (PSS) on the National Livestock Program.
Layon din nito na sakupin ang mga kinakailangan sa pagpopondo ng Protein-Enriched Copra Meal (PECM) Commercialization Project, na sisingilin pa ng kagawaran sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act.
Ayon sa Department of Agriculture, ang proyekto ay nakatuon na masimulan at pabilisin ang commercialization bilang isang hakbang upang sugpuin ang epekto ng tumataas na presyo ng raw materials ng feed na nag-aambag sa pagtaas ng mga mamimili ng baboy at manok.”
Napag-alaman na hangarin ng Marcos administration na tulungan ang agriculture sector sa kanilang produksyon para ma-maintain ang presyo ng mga agricultural products sa mababang level.