Aminado si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na malaking pagsubok para sa ahensya na maghanap ng sapat na pondo para bumili ng medium-range ramjet supersonic BrahMos cruise missiles.
Saad ni Lorenzana, hindi pa raw ito sigurado kung kailan magkakaroon ng ganitong uri ng missile ang Pilipinas dahil nakasalalay umano ito sa kung gaano kabilis magiging available ang pondo para rito.
Una nang sinabi ng kalihim na pinaplano ng DND na bumili ng dalawang baterya para sa BrahMos cruise missiles kung saan bawat baterya ay kayang magsagawa ng tatlong mobile autonomous launchers.
Ang magiging procurement aniya nito ay sa pamamagitan ng “government to government” mode.
Sa oras na mabili ng DND ang nasabing missiles ay gagaimitin ito ng Philippine Army (PA) para sa kanilang coastal defense missions. Bukod sa PA, maaari rin daw itong gamitin ng Philippine Airforce, ani Lorenzana.
Kapag na-deliver na rin ang mga missiles ay magsisilbi umano itong kauna-unahang armas ng bansa na may kamangha-mangha ng kakayahan.