-- Advertisements --
magsasaka hacienda tinang

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na tututok ang pondo ng ahensiya para sa susunod na taon sa food security at agrcultural modernization.

Saad pa ng ahensiya na ang kanilang pondo para sa 2024 ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para palakasin ang local agricultural production para sa seguridad sa pagkain at paglago ng ekonomiya.

Matatandaan na noong Setyembre 25, nang inaprubahan ng Kamara ang panukalang pondo ng kagawaran para sa susunod na taon na 6% mas mataas kumpara sa pondo nito ngayong taon.

Kabilang sa alokasyon ang P30.869 billion para sa National Rice Program, P6.09 billion para sa National Fisheries Program, at P5.28 billion para naman sa National Corn Program.

Ilan pa sa mahalagang pinaglaanan ng pondo ng DA ay ang P9.80 billion para sa hybrid rice seed assistance ng mga magsasaka, P9.55 billion fertilizer assistance, P2.750 billion para sa agricultural credit programs.