-- Advertisements --
Binawasan ng P24 bilyon na budget sa susunod na taon ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflicts’ (NTF-ELCAC).
Ito ay matapos na mabigo ang ahensya ng ipaliwanag kung paano nila nagastos ang P16-billion na bahagi ng kanilang budget para tulungan ang mga komunidad ngayong taon.
Sinabi ni Senate finance committee chair Sonny Angara na mayroon sanang nakalaan na P30.45-billion na proposed budget ang NTF-ELCAC para sa 2022 base na rin sa General Appropriations bill.
Batay sa nasabing pondo na mapupunta ang P28.1-billion sa Local Government Support Fund- Support to the Barangay Developlment Fund (LGSF-SBDP).
Ang nabawas na P24-billion na pondo ng ahensya ay ibibigay na lamang sa health sector ng bansa.