-- Advertisements --
Nagdesisyon na ang House Appropritions Committee na tapyasan ang budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025.
Ayon kay House Appropriations Senior Vice Chairperson at Marikina Rep. Stella Quimbo, nagdesisyon ang komite na bawasan ang P2.037 billion 2025 budget at gawin lamang itong P733.198 million.
Ito ay natapyasan ng P1.293 billion.
Ililipat ang tinanggal na pondo sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH).
Nabatid na nagpulong kagabi ang komite kaugnay sa naging mosyon ni Rep. Jill Bongalon na tapyasan ang pondo ng OVP dahil sa hindi pagsipot sa budget briefing ng pangalawang pangulo.