-- Advertisements --

Sayang daw kung dadagdagan ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth sa susunod na taon kung hindi naman ito nagagamit nang lubusan. 

Tugon ito ni Senate President Francis “Chiz” Escudero kung saan dapat na masagot at mabigyang linaw ang sobrang pondo ng Philhealth samantalang ang daming mga Pilipino ang hindi nakikinabang sa mga benepisyo nito. 

Ayon pa kay Escudero, kung bigong magamit nang lubusan ng Philhealth ang mga pondo nito at mawalan ng bilyun-bilyong piso kada taon ang mga taxpayers dahil sa inflation, ay dapat gumawa ng paraan ang gobyerno kung papaano mailalaan ang scarce financial resources, particular na sa gitna nang matinding hamon ng panahon na nagdudulot ng pinsala sa ekonomiya. 

Aniya, inflation pa lamang ay talo na ang bansa. Limang daang bilyon ang sobrang pondo ng PhilHealth sa ngayon at sa four pecent inflation, nangangahulugan, nawawalan ng P20 billion ang PhilHealth kada taon na hindi binibigay na serbisyo sa mga Pilipino dahil hindi nila aniya ginagastos ang pera. 

Ipinunto pa ni Escudero na ang P20 bilyong na nawala ay maaaring gamitin para sa iba pang pangangailangan ng bansa. 

Ayon kay Escudero, may mga agency prorams at projects na kailangang unahin at pag-aralan habang tinutugunan ng Senado ang P6.352 trillion national budget, kabilang ang flood control initiatives kasunod ng pagbaha sa Bicol region dulot ng Severe Tropical Storm Kristine.