Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P36.450 bilyon na pondo para sa implementasyon ng mga dagdag sahod ng mga empleyado ng gobyerno.
Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang nasabing hakbang ay bilang bahagi ng Salary Standardization Law.
Umapela ito sa mga namumuno ng mga iba’t-ibang departamento at ahensiya na ipatupad ang salary adjustment.
Mayroong kabuuang 308 na government departments at ahensiya ang makakatanggap ng nasabing pondo.
Ang unang tranche ng salary increase noong Enero 2024 ay retroactive na naaayon sa Executive Order 64 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong Agosto.
Habang ang second tranche ay magisismula sa Enero 1, 2025 at ang ikatlong tranche ay sa Enero 1, 2026 at ang huling bahagi ng taas sahod ay sa Enero 1, 2027.
Ang taas sahod ay kinabibilangan ng taunang National Expenditure Program.