-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Kasunod ng pagpupulong ng Provincial Health Board, naaprubahan ang pondo para sa new appointment ng mga health workers para sa probinsya ng Cotabato, sa pangunguna ni Governor Nancy A. Catamco.

Bahagi ng Annual Operation Plan para sa taong 2020 ang pag aproba ng kontrata para sa mga posisyong ito: Doctor (2), PHN/NDP (269), RHM/RHMPP (126), Dentist (5), Pharmacist (19), Med Tech (19), Nutritionist/NDDP (18), UHCI (18), at PHA (19).

Ang mga nasabing health workers ay napakahalaga upang maging epektibo ang health care delivery system ng probinsya, para mas maisulong ang kalusugan ng mga North Cotabateños. Sila ay ilalagay sa iba’t-ibang healthcare centers sa probinsya.