Isasama na sa pambansang budget sa susunod na taon ang pondo para sa P20 rice program ng pamahalaan.
Ayon kay Palace Press Officer Atty Claire Castro na gusto ng pangulo na maisama na talaga sa pambansang budget para sa susunod na taon ang P20pesos rice program.
Layon nito para hindi na ito balikatin pa ng mga lokal na pamahalaan.
Sa ngayon kasi ang national government at local government units ang magtutuwang para balikatin o i subsidize ang murang bigas.
igasAng mga LGUs aniya sa Visayas region ang unang naghayag ng kooperasyon at pakikipagtulungan sa national government para maipatupad sa mayo ang P20pesos rice program kaya roon gagawin ang pilot implementation nito.
Kung mayroon pa aniyang ibang lgus sa ibang rehiyon ang nais na tumulong ngayon, bukas aniya ang pamahalaan na tanggapin ito para madala na rin sa kanilang mga lugar ang murang bigas.
Siniguro din ni Castro na sa kalaunan ay ipatutupad na rin ang P20 kada kilo ng bigas sa buong bansa.