-- Advertisements --
Nakahanda ang Philippine Sports Commission (PSC) na ilabas ang pondo para sa pagbili ng mga competition equipment na gagamitin sa 30th Southeast Asian Games (SEAG).
Sinabi ni PSC Chairman William Ramirez na anumang oras ay maaari nang i-transfer ang pondo sa Philippine Olympic Committee (POC).
Ito ay matapos umanong isapinal ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang master list ng mga competition equipment para sa mga laro.
Ang paglabas ng pondo ay bahagi ng tripartite agreement na pinirmahan ng PSC, POC at PHISGOC.
Magmumula ang pondo sa inilaang P5 billion na budget ng Kongreso para sa nasabing biennial event na pormal na magbubukas sa November 30.