-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat ang kanilang pondo upang paghandaan ang pinsalang iniwan ng Bagyong Ambo.

Sa isang pahayag, sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na handa raw ang kagawaran na magbigay ng technical assistance at resource augmentation sa mga maaapektuhang local government units (LGUs).

“Concerned FOs (field offices) have already started their coordination with LGUs for deployment and augmentation of resources to ensure that there will be sufficient provision of goods in areas along the typhoon’s track,” wika ni Dumlao.

Sa pinakahuling ulat mula sa Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) ng DSWD, papalo sa halos P1.2-bilyon ang kabuuang halaga ng suplay ng pagkain at naka-standby na pondo.

Hinimok naman ng ahensya ang publiko na manatiling mapagmatyag para sa posibleng pinsala ng nasabing sama ng panaghon.

Nag-abiso rin ang DSWD sa mga apektadong residente na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga LGUs para sa posibleng paglilikas at iba pang safety measures.