Iminungkahi ng Department of National Defense na pagkunan ng pondo para sa mga pensyon ng military personnel ang mga remittances mula sa Bases Conversion and Development Authority.
Ginawa ni Defense Sec. Gilbert Teodoro ang panukala sa pagharap nito sa budget briefing ng Kamara.
Ayon kay Teodoro, ilaan na lamang ito para sa pensyon ng mga militar sa halip na sa Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization program.
Nabatid na nakasaad sa RA 7917 o Bases Conversion and Development Act of 1992, aabot sa 35% ng BCDA remittances ay kinakailangan ilaan sa modernization program ng AFP.
Paliwanag ng kalihim , P45.6 billion lamang ang allotted budget ng BCDA para sa AFP modernization program mula pa noong 1993 hanggang 2022.
Katumbas ito ng hindi baba sa P2 billion taon-taon.
Bagamat hindi aniya ito kalakihan ay malaki na rin ang maitutulong nito.