-- Advertisements --
lotto
PCSO LOTTO

Planong tanggalin ngayon ang mandatory contributions ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa karamihan ng mga ahensya ng pamahalaan.

Sa pagdinig ng House Committee on Games and Amusement, natukoy na isa ito sa mga dahilan kung bakit nauubos ang pondo ng ahensya at wala nang mailaan na pera para naman sa medical assistance.

Sa naturang pagdinig, kinuwestiyon ni House Deputy Speaker Prospero Pichay ang mga taga-PCSO kung bakit maliit ang medical assistance na ibinibigay ng ahensya para sa mga nangangailangan.

Hindi naman itinanggi ito ni PCSO General Manager Royina Garma na binawasan nila ang pondo para sa Individual Medical Assistance dahil na rin sa Universal Health Care Law at bulto ng kanilang pondo.

Sa ngayon, P5,000 hanggang P10,000 lamang ang halaga ng medical assistance na ibinibigay ng PCSO habang ilang milyong piso naman ang para sa mandatory contribution sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kada taon.