image 258

Halos doble ang alokasyong pondo ng Department of Budget and Management (DBM) para sa social pension ng mga mahihirap na senior citizen sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa 2024.

Ayon sa DBM, nasa P49.81 billion ang inilaan para sa social pension ng mahihirap na senior citizen para sa susunod na taon.

Ito ay halos doble kung ikukumpara sa General Appropriations ngayong 2023 na nasa P25.30 billion.

Ang pagtaas ng pondo ay para masaklaw ang tumaas na buwanang allowance mula sa pamahalaan na P1,000 para sa mahigit 4 million mahihirap na senior citizens na hindi kabilang sa pension system.

Sa ilalim kasi ng Social Pension for Indigent Seniors Act (RA 11916) na naglapse into law noong July 30, 2022, dinoble pa ang buwanang pensions mula sa kasalukuyang P500 sa P1,000 sa bawat naberipikang indigent senior.

Layunin ng programa na matugunana ng pang-araw-araw na gastusin at iba pang medikal na pangangailangan ng mga mahihirap na senior citizen na mahina, may sakit o may kapansanan,walang regular income o suporta na tinatanggap mula sa kaniyang pamilya at kamag-anak at walang pension na natatanggap mula sa pribadong institusyon o gobyerno.