Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na magagastos sa tama ang mga karagdagang pondo para sa COVID-19 response ng gobyerno.
Sa kaniyang talumpati nitong Lunes ng gabi, na ang mga karagdagang pondo na nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 1 at ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ay nagagastos ng tama.
Nagagastos aniya ang pondo na naaayon sa batas.
Mula aniya sa umpisa ay nasisiguro ng pangulo na walang sindikato sa nasabing paggastos sa nasabing mga pondo.
Magugunitang pinirmahan noong Marso 25 para maging batas ang Bayanihan 1 na nagbibigay ng karagdagang power sa pangulo na i-realign ang ilang probisyon ng 2020 national budget bilang sagot sa pandemic at ito ay nagtapos noong Hunyo 24.
Ang Bayanihan 2 law naman ay pinirmahan noong Setyembre 11 kung saan may inilaan na P140-bilion aid package para sa mga industriya na apektado ng pandemya at P25.52 billion na stanby fund na maaaring magastos bago maging epektibo ang 2021 budget.