VIGAN CITY – Malawakang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) testing ang layunin ng House Bill 6865 o Crushing COVID-19 Act na naipasa sa second reading sa Kamara at inaasahang papasa rin sa ikatlong pagbasa bukas, June 4.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay dating Health secretary at ngayon ay Iloilo 1st District Rep. Janette Garin, ang nasabing panukala ay upang ma-test ang mga “vulnerable” at “asymptomatic” na pasyente ng COVID-19 at upang hindi na maging magastos ay maipapatupad ang pool testing.
Sa pamamagitan aniya ng pool testing ay pagsasamahin ang 10 katao para sa iisang testing at hindi gagastos nang malaki ang gobyerno dahil posibleng magkaroon pa sila ng savings na hanggang 10%.
Target na maisama sa pool testing ang mga non-health frontliners, buntis, trabahador na may highblood, sakit sa puso at asthma.