Inihayag ng dating opisyal ng gabinete na si dating Department of Agriculture Secretary William Dar ang hindi magandang pagpaplano ng Department of Agriculture ang pangunahing dahilan ng kakulangan ng sibuyas sa bansa.
Nagbabala ang mga opisyal ng agrikultura noon pang Agosto sa posibleng kakulangan ng sibuyas dahil sa lumiliit na suplay.
Ayon sa dating Kalihim ng Agrikultura na si William Dar. alam naman umano ng kagawaran na kukulangin ang supply ng sibuyas ngunit bakit hindi daw tinuloy ang pag-aangkat nito.
Kung matatandaan, umakyat kasi sa P700 kada kilo ang presyo ng sibuyas sa ilang pampublikong pamilihan sa Metro Manila.
Sa ngayon, dapat na umanong mag-designate ng permanenteng Department of Agriculture Secretary upang mas matutukan na ang mga nangyayaring problema sa agrikultura ng ating bansa.