-- Advertisements --

Sumama na ang pop megastar Billie Eilish sa dumaraming mga artista at singer na nag-endorso kay Vice President Kamala Harris para maging susunod na pangulo.

Sinabi nito na kasama niya ang kaniyang kapatid na si Finneas O’Connell ang mag-eendorso kay Harris.

Dagdag pa nito na kanilang iboboto sina Harris at Tim Walz dahil sa ipinaglalaban nila ang kanilang reproductive freedom, ang planeta at demokrasya.

Hinikayat niya ang mga fans at followers na iboto ang dalawa na parang doon na nakadepende ang kanilang kinabukasan.

Bilang “National Voter Registration Day” sa US ay hinikayat nila ang mga botante na bumuto ng maaga.

Magugunitang isa si Taylor Swift sa mga malalaking pangalan na celebrity na nag-endorso kay Harris.