-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas ng bagong music video si Popstar Royalty Sarah Geronimo sa February 16 para sa awitin nitong “My Mind” na duet kasama si Billy Crawford. 

Sa inilabas na timeline ng singer sa social media accounts nito, nakatakda ring ilabas ni Sarah G ang dance performance video sa February 23, dance practice video sa March 1, at ang behind-the-scenes ng music video sa March 8.  

Unang inilabas ng singer ang awitin nitong My Mind noong May 12, 2023 sa music streaming platforms.