-- Advertisements --

Nahaharap sa reklamong sexual harassments ang pop singer na si Lizzo.

Isinampa nina Arianna Davis, Crystal Williams at Noelle Rodriguez na dating mga dancers ng singer ang kaso sa isang korte sa Los Angeles.

Ilan sa mga reklamong inihain ay ang sexual, religious and racial harassment, discrimination, assault at false imprisonment.

Bukod pa dito na sila ay pinilit umanong dumalo sa mga sex shows at nakikipagsalamuha sa mga dancers mula 2021 hanggang 2023.

Pinilit pa umano ng singer na si Melissa Viviane Jefferson ang tunay na pangalan na hawakan ang mga maseselang bahagi ng katawan nito sa isang show sa Amsterdam.

Kasamang inakusahan ni Davis ang choreographer ni Lizzo na si Tanisha Scott ng fat-shamming habang sila ay nasa tour.