-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Aktibong nakikipag-interact online ang Philippine Pop Sweetheart na si Lirah Bermudez sa kanyang mga fans at supporters ngayong panahon ng pandemic upang magbigay kasiyahan at lakas ng loob sa publiko.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Bermudez, palagi siyang nagsasagawa ng Facebook live at nagpapraktis na din ng mga kanta bilang paraan para mailayo ang sarili sa negativities dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inilabas ni Bermudez ang kanyang bagong single na Bakit Hindi at ang music video nito ay shinoot nalang sa loob ng kanilang bahay dahil naabutan ng lockdown bago pa man kunan ito sa target na mga lugar para kanyang kanta.

Si Bermudez ay unang nakilala nang siya ay sumali sa sikat na talent show sa telebisyon at kalaunan ay naging parte ng mga collaborations ng sikat na Pioy rapper na si Gloc-9.