Magagamit na ng mga commuter ang mga istasyon ng Light Rail Transit (LRT) -1 bilang pick-up point para sa kanilang mga package matapos na ang paglulunsad ng PopBox na unang smart locker system ng bansa sa isang pampublikong sasakyan.
Ang Light Rail Manila Corporation (LRMC), at ang pribadong operator ng riles ay opisyal na naglunsad ng PopBox sa lahat ng station ng LRT-1 para sa isang world class na karanasan ng kanilang mga customer.
Ang PopBox, ang unang courier agnostic na solusyon para sa mga smart locker, ay nag-ooperate na ng mahigit limang taon sa 350 locations sa buong Indonesia at Malaysia.
Ngayon, iginiit ng korporasyon na masisiyahan ang mga pasaherong Pilipino sa mas mahusay at maginhawang contactless delivery service para sa mga gustong gumamit ng LRT-1 stations bilang pick-up point para sa mga package na binili sa pamamagitan ng partner e-commerce platforms o para sa delivery orders sa pamamagitan ng partner courier.
Sa lalong madaling panahon, inaasahan ng Light Rail Manila Corporation o LRMC ang higit pang mga partners na mag-sign up at isama ang Light Rail Transit o LRT-1 PopBox locker bilang collection point.