-- Advertisements --
Nakatakdang ilunsad sa Nobyembre 27 ng iba’t-ibang government agencies at foreign organization ang kampanya para matulungan ang mga Filipino na makapagdesisyon tungkol sa kanilang seksuwalidad at reproductive health.
Sinabi ni Commission on Population and Development (POPCOM) executive director Juan Antonio Perez III na tatawagin ang kampanya bilang “I CHOOSE #MalayAkongMaging.
Makakatulong ito sa mga kabataan na magkaroon ng malusog na pagpipili.
Naniniwala aniya sila sa kapasidad ng mga kabataan na magkaroon ng independent , smart and healthy choices.
Nagpahayag naman ng suporta sa programa si National Federation of the Supreme Student Government president Bienesto Fidel Junio at ni Department of Health (DOH) Director Beverly Ho.