Hindi muna pangungunahan ni Pope Francis ang New Year’s Eve at New Year’s Day services dahil sa pananakit ng kanyang kanang binti.
Ayon sa Vatican, si Cardinal Giovanni Battista Re muna ang mangunguna sa year-end vespers service, habang si Cardinal Pietro Parolin, ang Vatican Secretary of State, naman ang hahawak muna sa Friday Mass.
Ang Santo Papa naman aniya ang mangunguina sa kanyang noon prayer, gaya ng nakasaad sa schedule.
Dumaranas ang Catholic pontiff ng kondisyon na kung tawagin ay sciatica, na nagdudulot ng pananakit mula sa ibabang bahagi ng likod hanggang sa ibabang parte ng katawan.
Paminsan-minsan ay nakikita ang Santo Papa na hirap maglakad dahil sa sakit.
Regular naman itong nakatatanggap ng physical therapy dahil sa kondisyon. (Reuters)